Mula sa 206 kahapon, umabot na ngayon sa 372 ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa bansa.
Batay ito sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP).
Nangunguna sa may pinakamaraming lugar na may granular lockdown ang National Capital Region (NCR) na may 103.
Pumangalawa ang Central Luzon na may 57 at ikatlo ang Calabarzon na may 32.
Samantala, lumalabas naman sa datos na 1, 308 ang bilang ng mga apektadong indibidwal dahil sa granular lockdown.
Nananatili namang nakabantay ang PNP sa mga granular lockdown areas para sa seguridad at para na rin magpatupad ng health protocol.
Facebook Comments