Bahagyang nadagdagan ngayon ang mga lugar sa Metro Manila na nasa ilalim ng granular lockdown.
Mula sa siyamnapu’t walo noong nakaraang araw ay umabot na ngayon sa 105 ang mga lugar na nasa granular lockdown.
Ayon sa Philippine National Police, ang mga lugar ay mula sa 58 na barangay sa Metro Manila.
Samantala, umabot naman na ngayon sa kabuuang 45,592 ang quarantine violators na naaresto, limang araw simula nang ibaba sa Alert Level 3 ang status sa Metro Manila
Ngayon araw ay nasa 8,834 ang mga bagong pasaway na nahuli kung saan karamihan sa mga ito ay lumabag sa public health standard at curfew.
Facebook Comments