MGA LUGAR NA NASA ILALIM NG MECQ HINDI PAPAPASUKIN SA BAYAN NG NATIVIDAD

NATIVIDAD, PANGASINAN – Naglabas ng direktiba ang Municipal IATF ng Natividad para sa mga magbabalak umuwi sa nasabing bayan.

Nakapaloob sa nasabing direktiba na ang mga lugar na nasa mecq ay hindi muna pinapayagang bumiyahe, at agad na ipinapakansela ang aplikasyon ng S-Pass.

Ang mga lugar na nasa ilalim ng MECQ ay ang mga sumusunod:


Region I: Cordillera Administrative Region: Apayao at Kalinga
Region II: Batanes
Region III: Bulacan at Bataan
Region IV-A: Cavite, Rizal, Laguna at Naga City
Mindanao: Zamboanga City at Zamboanga del Norte

Samantala, patuloy na umiiral sa bayan ang pagpapatupad ng safety protocols para sa mga residente dito.###

Facebook Comments