MANILA -Inalerto ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residenteng apektado ng bagyong Marce sa posibleng flashfloods at landslides.Partikular na pinag-iingat ang mga residente ng Bicol region at mga probinsiya ng Marinduque, Quezon Province at iba pang lugar na tatamaan ng bagyo hanggang lumabas ito sa teritoryo ng Pilipinas.Kasabay nito, inatasan na rin ng NDRRMC ang kanilang mga lokal na tanggapan sa iba’t ibang probinsya na gawin ang mga kaukulang hakbang upang maiwasan ang anumang trahedya.Sa ngayon ay wala pang naitatalang casualty sa pagtama ng bagyo sa bansa at patuloy ang assestment sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.
Facebook Comments