Nadagdagan pa ng 1 ang bilang ng mga lugar na nasa state of calamity.
Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 21 na mga syudad at munisipalidad sa Luzon ang isinailalim sa state of calamity.
Ito’y dahil sa epekto ng magkakasunod na Bagyong Nika, Ofel at Pepito.
Base sa report, 11 dito ay sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang 9 naman ang nasa Cagayan Valley at 1 naman sa Central Luzon.
Dahil sa deklarasyon ng state of calamity, magagamit na ng mga lokal na pamahalaan na apektado ang kanilang calamity fund.
Facebook Comments