Nagdesisyon na ang Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) kung kanino mapupunta ang pinakahuling 400,000 doses na mga donasyong bakuna mula sa China.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ibibigay ang karamihan ng mga bakuna sa pinakaapektado ng new COVID-19 variants, kasama na rito ang Metro Manila, NCR Plus, Cebu at Davao City.
Sinabi ni Roque na agad-agad sisimulan ang distribusyon ng mga bakuna.
Sa ngayon, dahil pinakauna sa priority list ang mga medical health workers ay sila muna ang makatatanggap ng Sinovac vaccines.
Pero sa oras aniya na dumating na sa bansa ang 1 milyong biniling Sinovac vaccines ay puwede nang mabakunahan ang mga economic frontliners tulad ng mga tsuper, tindero, magsasaka, mangingisda at iba pa.
Inaasahang sa Lunes, March 29 ang dating ng 1 milyong procured Sinovac vaccines.