Mga lugar na nasa state of calamity bunsod nang magkakasunod na sama ng panahon, umabot na sa 9

Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar ang isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto nang nagdaang Bagyong Goring, Hanna at habagat.

Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Galing ang 9 na lugar sa Western Visayas partikular ang mga bayan ng Leganes, Pototan at Oton sa Iloilo.


Gayundin ang mga bayan ng Sibalom, San Remigio, at Hamtic sa Antique at mga bayan ng Bago, Bacolod at San Enrique sa Negros Occidental.

Dahil sa deklarasyon, maari nang magamit ng naturang lokal na pamahalaan ang kanilang calamity funds para magbigay ng tulong sa mga residenteng apektado ng Bagyo.

Sa datos ng NDRRMC, nasa 239,581 pamilya o katumbas ng mahigit 90,000 inidbidwal mula sa 2,285 na mga barangay sa 8 rehiyon sa bansa ang apektado.

Facebook Comments