Mga lugar na nasa state of calamity dahil sa El Niño, nasa 131 na

Umabot na sa 131 ang bilang ng mga lugar sa bansa na nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.

Sa ambush interview sa Malacanang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Asec. Joey Villarama na kabilang sa mga lugar na ito ang mga lalawigan ng Occidental Mindoro, Antique, Sultan Kudarat, Basilan, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte at South Cotabato.

Pumalo na rin sa P4.39 bilyon ang halaga ng pinsala ng tagtuyot sa mga taniman o katumbas ng higit 77 libong ektaryang sakahan.


Gayunpaman, sinabi ni Villarama na 77% sa Mga napinsalang taniman ay kaya pang isalba.

Ikinukunsidera aniya ng pamahalaan ang cloud seeding sa mga lugar na kailangan ng tubig at tintignan kung mayroong seedable na mga ulap at maging ang ihip ng hangin dahil baka masayang ang proseso kung mapupunta lang sa dagat ang ulan.

Facebook Comments