Mga lugar na pagtatayuan ng common tower sa bansa, tukoy na ng DICT

Natukoy ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang nasa 1,000 na lugar na pwedeng pagtayuan ng common tower sa bansa.

Ayon kay DICT Assistant Secretary Eliseo Rio Jr., patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga telecommunication player para matapos na ang pagpaplano at masimulan na ang pagpapatayo ng common tower.

Paglilinaw naman ni Rio, nasa kamay na ng mga telco player ang pagpili sa mga kumpaniyang magtatayo ng common tower.


Facebook Comments