Mga Lugar na Sakop ng 17th IB, Naging mapayapa kasabay sa anibersaryo ng mga NPA!

Naging mapayapa ang mga lugar na nasasakupan ng 17th Infantry Battalion, 5th ID, PA sa katatapos lamang na ikalimampung anibersaryo ng CPP-NPA-NDF kahapon, December 26, 2018.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Lt. Col. Camilo Saddam, Commanding Officer ng 17th IB, kung saan patuloy lamang ang pagbabantay ng militar sa mga lugar na sakop ng kanyang batalyon.

Nagbigay naman ito ng mensahe sa taumbayan na ipagpatuloy lamang ang suporta at kooperasyon sa mga alagad ng batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan lalo na sa pagsalubong sa bagong taon.


Samantala, puspusan naman ang kanilang pagbabantay sa mga katutubong aeta na madalas umanong nililinlang at nirerecruit ng mga NPA.

Paalala pa ni Lt. Col. Saddam na maging alerto at ipagbigay alam sa mga otoridad kung may mga nasasagap na impormasyon hinggil sa mga kakaibang kilos ng mga makakaliwang grupo.

Patuloy naman ang kanilang paghihikayat sa lahat ng mga rebelde na sumuko na lamang dahil may mga naghihintay anya na mga programa ang pamahalaan para sa lahat ng mga magbabalik loob.

Facebook Comments