Mga lugar na sakop ng “temporary arrangement” ng Pilipinas at China sa WPS, target palawigin ng pamahalaan

Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posiblilidad na palawigin ang mga lugar na sakop ng “temporary arrangement” ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ito’y kasunod ng insidente sa Escoda Shoal kung saan binangga ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni National Maritime Council (NMC) Spokesperson Vice Admiral Alexander Lopez, nagagamit naman ang ‘understanding’ sa China pagdating sa Ayungin Shoal.


Pero hindi lang daw talaga nila akalain na hindi ito nag-apply sa iba pang parte ng WPS.

Ayon pa kay Lopez, bigo ang China na tiyakin ang kaligtasan ng buhay at property ng mga sasakyang pandagat, dahil sa patuloy pa rin nilang agresibong aksyon.

Matatandaang pumasok ang Pilipinas at Beijing sa isang “temporary arrangement” noong nakaraang buwan para sa mga isasagawang resupply missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Facebook Comments