Mga lugar na sinalanta ng Bagyong Tino, pinatututukan ng Ombudsman sa binuong task force

Inatasan na ng Office of the Ombudsman ang binuong special task force na mag-iimbestiga sa mga flood control projects na iprayoridad ang mga lugar na sinalanta ng Bagyong Tino.

Ang naturang mga proyekto ay nakadisenyo para mapigilan sana ang matinding hagupit ng mga bagyo.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang Office of the Ombudsman sa mga pamilya ng nasawing indibidwal sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Tiniyak naman ng Ombudsman na makakamit ng lahat ng mga biktima ng pagbaha ang hustisya.

Sa huling datos ng Office of the Civil Defense o OCD, lumobo na sa 188 ang nasawi sa pagtama ng Bagyong Tino.

Facebook Comments