Manila, Philippines – Tiniyak ng Manila Water na nadagdag pa ang mga lugar na bumalik na sa normal ang supply ng tubig.
Ayon kay Manila Water President and CEO Ferdinand Dela Cruz, 95 percent na ang kanilang water availability sa kanilang nasasakupan.
Aniya, nasa 11 barangay na lang ngayon ang nakakaranas ng water interruption.
Sabi ni Dela Cruz, pinag-aaralan na nila ang mga posibleng ayudang bibigay sa mga naapektuhan ng kawalan ng supply ng tubig kasama na ang pagpapagaan sa water bill.
Facebook Comments