Mga lugar ng botohan sa ibang bansa, pinapadagdagan ng isang senador

25

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Sonny Angara na madagdagan pa ang mga presinto ng botohan sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Angara, mahalagang damihan ang polling precincts lalo na sa mga lugar na malaki ang bilang ng mga Pilipino.

Apela ito ni Angara sa harap ng nagpapatuloy ngayong Overseas Absentee Voting (OAV).

Diin ni Angara, kailangang matugunan ng gobyerno ang reklamo ng mga Pilipino sa ibayong-dagat na kakaunti  o malalayong lugar na polling precincts kaya hindi nila mapuntahan para bomoto.

Facebook Comments