Tinukoy ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ang ilang mga lugar sa Bansa na nakararanas ng food insecurity.
Ang food insecurity ay ang pagkakaroon ng limitadong access at availability ng masustansiya at ligtas na pagkain.
Sa bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni DOST-Food and Nutrition Research Institute Director Imelda Agdeppa na ilan sa nakararanas ng food insecurity ay ang Bangsamoro in the Muslim Mindanao region na may 84% prevalence food insecurity.
Kasunod ang CARAGA na mayroong 69.8% hanggang 70% prevalence food insecurity habang mataas din umano ang Eastern Visayas na mayroong 69%.
Ayon pa kay Agdeppa, na kabilang din ang Northern Mindanao na may 69% maging ang Bicol 68% prevalence food insecurity.
Tinutugunan na naman aniya ito ng gobyermo sa pamamagitan ng mga innovations na ginagawa sa ilang agricultural products gaya ng kalabasa, kamote, carrots na ginagawang Nutribun.
Katuwang aniya nila sa nasabing kampanya ang Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Nutrition Council gayundin ang international development agencies gaya ng World Food Program.