Mga lugar sa bansa na walang naiitalang COVID-19 transmission, posibleng mamuhay na sa “new normal”

Posibleng mamuhay na sa tinatawag na “new normal” ang mga lugar sa bansa na walang naiitalang COVID-19 transmission.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan aprubado na aniya ang “in principle” na deklarasyon ng mga isasailalim sa new normal areas sa bansa.

Dagdag pa ni Roque, sa ngayon ay gumagawa na sila ng guidelines na susundin kabilang ang mga pwede at hindi pwedeng gawin sa ilalim ng new normal.


Sa ngayon, malaking bahagi ng bansa ang nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Habang umiiral naman ang General Community Quarantine sa Metro Manila, mga lalawigan ng Davao del Norte, Batangas, Isabela, Lanao del Sur at mga Lungsod ng Santiago, Iloilo, Tacloban, Iligan, at Davao city.

Facebook Comments