Mga lugar sa Batangas na susuriin dahil sa arsenic contamination, nadagdagan pa; tubig ng ilang bayan sa Batangas, positibo rin sa kemikal na Radon

Nadagdagan pa ang mga lugar sa Batangas na susuriin dahil sa arsenic contamination bunsod ng pagputok ng Taal Volcano noong nakaraang linggo.

Ito ay matapos mapagdesisyunan ng Batangas Provincial Government na isama na rin ang ilang lugar sa labas ng Taal Volcano Protected Landscape sa pagsusuri ng arsenic level ng pinagkukunang tubig.

Layon nitong masiguro ang kalidad ng tubig na siyang ginagamit din pang-inom ng maraming residente.


Nilinaw naman ng mga ekpserto na pwedeng gamitin ang tubig na may mataas na lebel ng arsenic bilang panligo, pandilig at panghugas.

Samantala, napag-alaman din sa inisyal na pagsusuri ng provincial government na positibo sa kemikal na Radon ang tubig na galing sa mga bayan ng Lemery, Taal at Santa Teresita na posibleng magdulot ng cancer.

Facebook Comments