Mga lugar sa Metro Manila at kalapit lalawigan nito, mawawalan ng suplay ng tubig bukas

Inihayag ng pamunuan ng Maynilad Water Services (Maynilad) na dalawang araw na mawawalan ng suplay ng malinis na tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at Cavite area bukas.

Sa abiso ng Maynilad, magsasagawa ito ng network maintenance activity upang mapabuti ang serbisyong patubig sa West Zone.

Pinapayuhan naman ang publiko sa maaapektuhang lugar na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig.


Kabilang sa makakaranas ng kawalan ng tubig ang Quezon City, Caloocan City, Malabon, Manila, Las Piñas at Paranaque sa Metro Manila, Bacoor, Cavite City, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario sa Cavite Province.

Tiniyak naman ng Maynilad ang kahandaan ng kanilang water tankers na mag-rasyon ng tubig kung kinakailangan.

Facebook Comments