Naglabas pa ang Manila Water ng updated affected areas na sanhi ng operational adjustments simula ngayong araw kaugnay pa rin sa patuloy na pagbaba ng water level ng tubig sa La Mesa Dam.
Karamihan sa mga lugar ay makakaranas ng mahinang preasure ng tubig o di kaya ay mawawalan ng supply ng tubig.
Pinakamaraming barangay na makakaranas ng paghina hanggang sa pagkawala ng tubig ay ang Quezon City, Makati, Marikina, Paaig City,Pateros,Taguig,Mandaluyong at San Juan sa Metro.manila.
Apektado din ang Angono,Antipolo, Binangonan at Cainta ,Jala jala, Rodriguez, San Mateo, Taytay, at Teresa sa lalawigan ng Rizal.
Kaugnay nito pinayuhan ng Manila water ang publiko na mag imbak ng sapat na tubig para aa pamgangailangan ng pamilya sa loob ng isang araw.
Base sa pinakahuling reading sa lebel ng tubig ng La Mesa dam , as of 6 am ngayong umaga ito ay nasa 62.02 meters water elevation na mas mababa na sa 80.15 meters spilling level.