Mga lugar sa Metro Manila na makakaranas ng mahinang pressure at mawawalan ng tubig ngayong araw, nadagdagan pa – Manila Water

Naglabas pa ang Manila Water ng updated affected areasĀ  na sanhi ng operational adjustments simula ngayong araw kaugnay pa rin sa patuloy na pagbaba ng water level ng tubig sa La Mesa Dam.

 

Karamihan sa mga lugar ay makakaranas ngĀ  mahinang preasure ng tubig o di kaya ay mawawalan ng supply ng tubig.

 

Pinakamaraming barangayĀ  na makakaranas ng paghina hanggang sa pagkawala ng tubig ay angĀ  Quezon City, Makati, Marikina, Paaig City,Pateros,Taguig,Mandaluyong at San Juan sa Metro.manila.


 

Apektado din ang Angono,Antipolo, Binangonan at Cainta ,Jala jala, Rodriguez, San Mateo, Taytay, at Teresa sa lalawigan ng Rizal.

 

Kaugnay nito pinayuhan ng Manila water ang publiko na mag imbak ng sapat na tubig para aa pamgangailangan ng pamilya sa loob ng isang araw.

 

Base sa pinakahuling reading sa lebel ng tubig ng La Mesa dam , as of 6 am ngayong umaga ito ay nasa 62.02 meters water elevation na mas mababa na saĀ  80.15 meters spilling level.

Facebook Comments