Mga lugar sa QC na inilagay sa Special Concern Lockdown, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga lugar na inilagay sa Special Concern Lockdown sa lungsod Quezon.

Simula kahapon, June 30, 2020, nakalockdown na ang lugar ng Marytown sa Barangay Loyola Heights sa District 3 sa Quezon City dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Umakyat na sa siyam (9) na mga lugar sa ilang Barangay sa lungsod ang nasa 14-day Special Concern Lockdown.


Nasa ilalim pa rin ng lockdown ang Calle 29 sa Libis, Kaingin Bukid sa Apolonio Samson, 138 Ermin Garcia St. sa E. Rodriguez, 52 Imperial St. sa E. Rodriguez, portion ng King Christian St., sa Bagbag, Insurance St. Extension sa Sangandaan, Loans St., Alley 4 sa Sangandaan at 70 Mendez Road sa Baesa.

Facebook Comments