Mga lugar sa QC na isinailalim sa Special Concern Lockdown, nadagdagan pa

92

Nadagdagan pa ang mga lugar sa Quezon City na inilalagay sa ’14-day Special Concern Lockdown’ (SCL) dahil sa COVID-19 pandemic.

Apat pang lugar ang naisama sa lockdown na umabot na sa labing-isa (11) matapos makitaan ng pagtaas ng kaso ng Coronavirus.


Kabilang dito ang Fatima St., cor. Liwanag at 14G Maayusin Ext. sa San Vicente, Maparaan St., hanggang sa 87 Kalayaan St. sa Central at Ruby Stone HOA sa Barangay Kaligayahan.

Ang iba pang lugar na nanatiling naka-lockdown ay ang Kaingin Bukid sa Apolonio Samson, bahagi ng King Christian St. sa Bagbag, Insurance St. Extension at Loans St., Alley 4 sa Sangandaan, 70 Mendez Road sa Baesa, Marytown (Sapa) sa Loyola Heights at FVR Building sa Guirayan Street sa Barangay Doña Imelda.

Facebook Comments