Mga lugar sa Quezon City na may mataas na kaso ng COVID-19, umabot na naman sa 50

Inihayag ngayon ng Quezon City government na may karagdagan pang pitong lugar sa Quezon City ang isinailalim sa special concern lockdown.

Base sa huling ulat, umabot na sa 50 ang bilang ng mga lugar na binabantayan ng lokal na pamahalaan na may mataas na kaso ng COVID-19.

Pinakahuling areas na naka-lockdown ay ang bahagi ng JP Laurel St. sa Commonwealth, isang lugar sa Cordillera St. sa Barangay Doña Aurora, isang lugar sa Mabini St. Barangay Sta. Lucia, isang bahagi ng K-10th St. sa East Kamias.


Isinara rin ang bahagi ng First Avenue ng Barangay Bagong Lipunan ng Crame, bahagi ng Mabilis St. sa Barangay Pinyahan at bahagi ng Waling-Waling Street sa Barangay Central.

Pagtiyak ng Local Government Unit (LGU), lahat ng pamilya sa apektadong lugar ay sasailallim sa swab test at 14-day mandatory quarantine.

Sinimulan na rin ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi sa kanila ng food packs at essential kits.

Facebook Comments