Nagsagawa ng disinfection activity sa Barangay Aramal, San Fabian ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Ayon sa social media post ng ahensya, layunin ng operasyon na pigilan ang pagkalat ng iba’t ibang klase ng sakit.
Binisita sa aktibidad ang Aramal Elementary School at Child Development Center, pati na rin ang paligid ng mga kabahayan sa barangay.
Matatandaang noong Miyerkules, nagsagawa rin ng malawakang disinfection ang ibang karatig bayan tulad ng Lingayen upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng mga mamamayan.
Facebook Comments










