Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng lockdown ay makakatanggap ng ayuda.
Ayon sa DSWD, handa silang magpadala ng resources sa local government units (LGUs) na apektado ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ), lalo na sa Iloilo Provice, Iloilo City, Cagayan de Oro, at Gingoog City, Misamis Oriental.
Kasalukuyang nakikipag-coordinate ang DSWD sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagbibigay ng air at iba pang logistical assets para tumulong sa paghahatid ng family food packs.
Inaalam na rin sa mga LGUs kung ilang pamilya ang apektado ng ECQ at malaman kung sila ay kwalipikadong tumanggap ng tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).