Mga lugar sa Western Visayas na nagsuspinde ng klase dahil sa matinding init ng panahon, umakyat na sa sampu

Tinatayang nasa sampung lugar na sa Western Visayas ang nagsuspinde ng klase ngayong araw hanggang bukas, dahil sa matinding init ng panahon.

Partikular sa mga nagdeklara ng class suspension ang ilang paaralan sa Iloilo City, Bacolod City, Negros Occidental, Roxas City, Capiz, at South Cotabato.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Task Force El Niño Spokesperson at PCO Asec. Joey Villarama, na pinapayagang magsagawa ng online classes ang mga pampubliko at pribadong paaralan kung hindi talaga kakayanin pumunta ng mga mag-aaral sa mga paaralan dahil sa mainit na panahon, alinsunod sa advisory ng Department of Education (DepEd) noong April 2023.


Facebook Comments