Mga lumabag sa batas na raliyista, sasampahan ng kaso ng PNP

Bagama’t may ilang militante na nagsagawa ng pagkilos kahit walang permit at may nagsunog ng effigy ay hinayaan lamang ito ng kapulisan bilang paggalang sa kanilang karapatan.

Pero ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Gen. Nicolas Torre magsasampa sila ng kaso at harapin na lamang ito ng mga pasaway na mga militante.

Alinsunod sa batas, ang pagsusunog ng effigies ay paglabag sa Clean Air Act at iba pang ordinansa.


Sa ngayon, hinihintay na lamang natin ang magiging assessment ng Pambansang Pulisya.

Pero sa mga nauna nating panayam ay maayos at payapa naman ang SONA ng pangulo.

Facebook Comments