Mga lumabag sa gun ban, halos 2-K na – PNP

Aabot na sa halos 2,000 ang inaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa gun ban.

Kaugnay pa rin ito sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) bukas.

Ayon sa PNP, as of October 27 ay 1,922 na suspek ang inaresto habang 1,454 na baril naman ang nakumpiska.


May 2,325 na baril din na ipinatago muna sa pulisya habang 1,683 ang kusang isinuko ng gun owners.

Hanggang kahapon naman, nasa 151 ang naitalang election-related incidents sa buong bansa kung saan 30 ang kumpirmado habang 88 ang walang kaugnayan sa eleksyon.

Facebook Comments