Mga lumabag sa health protocols sa NCR sa gitna nang umiiral na Alert Level 3 umabot na sa mahigit 113, 000

Umakyat na sa 113,602 ang mga lumabag sa health protocols sa gitna ng umiiral na Alert Level 3 sa National Capital Region.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) Command Center, 10,932 ang naitalang new violators habang 9,467 ang daily average ng violators sa NCR.

Sa bilang ng mga umabag sa Alert Level System, 57 percent ang mga nasita, 36 percent ang mga pinagmulta at 7 percent ang mga pinatawan ng iba pang parusa.


Kabuuang 84,819 ang hindi sumunod sa minimum public health standards.

Habang 28,171 ang mga lumabag sa curfew at 612 ang mga lumabas na non-APOR.

Ang Alert Level 3 ay iiral sa NCR hanggang sa October 31, 2021.

Facebook Comments