Abot sa 3,447 na motoristang pasaway ang hinuli ng Land Transportation Office – National Capital Region (LTO-NCR) nitong February 2024, sa ilalim ng pagpapatupad ng “No registration, No travel policy”.
Ayon kay LTO Director Roque Verzosa III, kabilang dito ang mga lumabag sa Land Transportation and Traffic Code, hindi rehistradong sasakyan, pagkakaroon ng depektibong accessories, devices, at equipment.
Kasama rin dito ang nagmamaneho ng naka- tsinelas, walang OR/CR, walang driver’s license, hindi paggamit ng seat belt, walang helmet, hindi pagsunod sa Children Safety On Motorcycle Law, Anti-Distracted Driving Act, Anti-Overloading Act at iba pang violations.
Kaugnay nito, muling nagpaalala si Verzosa sa mga motorista na sundin ang mga batas trapiko upang hindi masita, maabala at pagmultahin.