Cauayan City, Isabela- Nangunguna sa talaan ng PNP Cabatuan, Isabela ang mga nahuhuling lumalabag sa Social Distancing.
Ayon kay PCapt Gil Pagulayan Jr, hepe ng PNP Cabatuan, tuloy-tuloy ang kanilang bente kwatro oras na pagbabantay sa tatlong (3) checkpoints at wala naman aniya silang nagiging problema maliban sa mga pasaway na tao.
Pinakamarami sa mga violators ng ECQ na nahuli ng pulisya ay ang mga lumabag sa social distancing na may bilang na 52, pumapangalawa sa liqour ban na may bilang na 31, dalawamput lima sa curfew, 17 sa mga unauthorized persons outside residence, 14 sa mga walang suot na facemask at 8 naman ang mga nahuli sa pamamasada.
Ayon pa sa Hepe, hinuhuli rin ang mga nagbebenta ng alak kaya’t upang matiyak na walang makakalusot na magbebenta at bibili ng alak ay nilagyan ang mga ito ng sealed at binabalikan na lamang ng mga pulis ang tindahan upang tingnan kung nabawasan.
Ilan aniya sa mga sa mga nahuli ay sasampahan ng mga kaukulang kaso.
Panawagan nito sa kanyang mga kababayan na tumalima sa mga kautusan ng gobyerno hinggil sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine upang maiwasan ang sakit na COVID-19.