Mga lumabag sa umiiral na COMELEC gun ban, umaabot na sa 2,243

Umakyat na sa 2,243 ngayong araw ang mga naaresto dahil sa paglabag sa Commission on Elections (COMELEC) gun ban.

Ang mga ito ay nahuli sa 2,149 checkpoint operations na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) mula January 9 hanggang sa kasalukuyan.

Batay sa tala ng PNP Command Center, karamihan sa mga naaresto ay mga sibilyan na nasa 2,159; habang 39 ang security personnel, 14 ang miymebro ng PNP, 9 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at 22 ang iba pa.


Nangunguna sa bilang ng mga naaresto ang National Capital Region (NCR) na nasa 823; kasunod ang Region 4A na nasa 239; Region 7 na nasa 234; Region 3 na nasa 225; at Region 6 na nasa 131.

Nakumpiska ng PNP sa mga ito ang 1,754 firearms na karamihan ay small arms; 798 deadly weapon kabilang ang 91 pampasabog; at halos 10-libong bala.

Facebook Comments