Mga Lumad Learners sa South Upi nakatanggap ng School Bags

Daang mga mag- aaral na residente ng South Upi , Maguindanao ang nakabiyaya ng school bags with school supplies mula sa Peoples Medical Team ng Maguindanao Government .

Kabilang sa mga nakabiyaya ay ang mga mag-aaral ng Trecero Primary School, Feta Elementary School, at Aliman B. Gunsi Elementary School ayon sa impormasyong ipinarating sa RMN DXMY ni Lynette Estandarte , head ng PMT ng PGO.

Hindi naman inalintana ng mga staff ng PGO ang napakalayong byahe sa mga liblib na bahagi ng bayan para lamang maisigurong makakarating sa mga istudyante ang regalong hatid ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu, dagdag ni Estandarte.


Tulad ng mga mag-aaral na halos tanaw na araw -araw ang langit, abot langit rin ang pasasalamat ng mga ito sa PGO dahil sa bagong mga bags na naglalaman ng papel, lapis, notebooks at crayons.

Ang tinungong paaralan ay matatagpuan sa napakataas na bahagi ng bayan at karamihan sa mga mag-aaral ay nagmumula sa lumad community.




Facebook Comments