Mga Lumad na biktima ng Human Trafficking sa Pangasinan hindi isolated case yon sa CHR

Lingayen Pangasinan – Lulan ng isang provincial bus lumuwas mula Sual Pangasinan ang nasa 34 na mga Lumad na tumakas sa kamay ng kanilang abusadong Chinese na amo patungong Manila upang humingi ng tulong dahil sa kanilang sinapit.

Ang pangko kasing sahod na P 7,500 monthly, libreng pagkain at tirahan ay hindi tinupad ng kanilang amo. Bagkus nasa P 1,800 lamang ang kanilang nakukuhang sahod dahil sa mga kaltas na ginagawa ng kanilang amo. Dagdag pa ng mga biktima pinagtatrabaho din sila mula alas-sais ng umaga hanggang alas-siete ng gabi sa nasabing aquafarm.

Na-rescue din kamailan ng pinagsanib na pwersa ng Commission on Human Rights, PNP Sual, Provincial at Municipal Social Welfare and Development Office ang nasa 17 Lumad na ilegal na pinagtatrabaho sa isang bangus aquafarm na pagmamay-ari ng isang Chinese businessman sa bayan ng Sual Pangasinan.


Sa ngayon nasa kustodiya ng CHR sa Quezon City ang 34 na Lumad habang ang 17 pa nan a-rescue ay pansamantalang nanunuluyan sa isang bahay sa Lingayen Pangasinan.

Nanawagan naman ang CHR na dapat masusing imbestigahan ng Department of Labor and Employment at National Bureau of Investigation ang nasabing insidente dahil ito’y hindi isolated cases sa kadahilanang may na-monitor din silang parehong kaso sa karatig lalawigan ng Pangasinan na La Union.

Facebook Comments