Mga Lumad nahandugan ng Serbisyo Medikal

Daang mga residente ang nakabiyaya sa isinagawang Medical Mission ng Peoples Medical Team ng Maguindanao sa South Upi.

Sa impormasyong nakuha mula kay Lynette Estandarte, head ng Peoples Medical Team abot sa 732 na indibidwal na karamihan ay mga Lumad ang napagkalooban ng serbisyo medikal .

Kabilang sa na handugan ng libreng check – up ang 566 na mga residente, 111 ang nabunotan ng ngipin, at 55 mga kabataan ang mga natuli.Lubos namang pinasalamatan ni Mayor Reynalbert Insular ang mga staff ng Medical Team.


Ang Medical Mission ay bilang pakikiisa ng Provincial Government sa ika 41 st Anniversary ng South Upi.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments