*Surigao del Sur*, Philippines – Namataan ang isang bomber plane na umikot-ikot sa mga komunidad sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur kayat napilitang magbakwit ang mahigit sa dalawang libong indibidwal na mga katutubong lumad mula sa siyam na komunidad papuntang Simowao Tribal Community School, Km.9 Brgy. Diatagon ng nasabing bayan.
Ayon kay UCCP Bishop Modesto Villasanta Chairperson ng grupong Karapatan sa Surigao Hulyo 3, nang sinimulan ng 16 Special Forces Company, 75th IB at 36th IB ng 402nd Brigade, Phil. Army ang military operation sa bayan ng Lianga, San Agustin at San Miguel Surigao del Sur.
Kagabi sa exclusive interview ng RMN DXBC Butuan kay 402nd Brigade Commander Col. Franco Nemesio Gacal, iginiit ng opisyal na walang katotohanan ang paratang ng grupong karapatan na may umikot-ikot na bomber plane sa lugar dahil andoon daw lahat sa Marawi City ang mga bomber plane.
Naniwala si Col. Gacal na dinuduldulan ang mga lumad kayat nagsilikas ang mga ito.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558