Mga lumagda sa blangkong item sa bicam report ng budget, iginiit ng senador na sila ang dapat na magpaliwanag

Ibinaling ni Senator Sherwin Gatchalian sa mga lumagda ng blangkong item sa bicameral conference committee report ng 2025 national budget ang responsibilidad sa pagpapaliwanag sa isyu.

Ayon kay Gatchalian, sa nakita niyang kumalat na mga pahina ng bicam report ng budget na may mga blangkong item ay wala roon ang kanyang pirma.

Ginagarantiya pa ng senador na hindi ito galing sa Senado at wala rin sa mga blank item ang pirma ng mga kasamahang senador.


Kung may dapat man aniyang matanong at magpaliwanag sa blangkong item sa bicam report ng budget ay walang iba kundi ang mga mambabatas o mga indibidwal na nakalagda rito.

Aniya pa, sila lamang ang makakapagpatunay kung authentic nga ba o hindi ang mga blangkong items ng budget sa bicam committee report.

Facebook Comments