Mga lumalabag sa occupational safety and health standards, dapat tiyaking mapaparusahan

Iginiit ni Senator Joel Villanueva sa bagong liderato ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatupad ng lubos ang Occupational Safety and Health Standards.

Ito ay para matiyak na mapaparusahan ang mga responsable sa pagkamatay ng dalawang katao sa pagguho ng elevator na kanilang kinukumpuni sa isang gusali sa Makati City noong Byernes.

Giit ni Villanueva, kailangan ng agarang imbestigasyon sa sanhi ng aksidente, kaakibat ang istriktong pagpapatupad ng batas bilang patunay kung gaano kaseryoso na matiyak ang ligtas na working environment para sa mga manggagawa.


Sabi ni Villanueva, sa naturang aksidente ay dapat imbestigahang mabuti kung sumailalim ba ang elevator sa technical safety inspection ng DOLE inspectors at nagkaroon ba ng sapat na safety protocols sa pagkukumpuni ng elevators.

Tinukoy ni Villanueva na sa ilalim ng Occupational Safety and Health Implementing Rules and Regulations, ay may parusang ₱100,000 na ipinapataw sa bawat araw ng paglabag sa patakaran na naglalagay sa mga manggagawa sa panganib ng kamatayan, pinsala sa katawan, o karamdaman.

Facebook Comments