
Sino ang mag-aakala na ang mga lumang gulong ay pwede pang maging kapaki-pakinabang?
Sa Bayambang, ipinakita ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang kanilang malikhaing talento sa “Sulong Gulong” Eco-Furniture Challenge kamakailan, kung saan ginawang mesa at silya ang mga lumang gulong ng sasakyan.
Gamit ang kanilang imahinasyon at kasanayan, matagumpay na na-transform ng mga kalahok ang mga lumang gulong sa mga malikhaing eco-furniture na pwedeng gamitin ng publiko.
Ang mga nagawang rubber tire tables at chairs ay nakatakdang ilagay sa mga bagong stall sa Bayambang Central School at sa planong café area sa Bayambang Municipal Plaza, bilang bahagi ng pagpapaganda ng plaza at lumang campus ng paaralan.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang kahalagahan ng recycling at environmental sustainability, at patunayan na sa tamang talento at diskarte, ang mga bagay na itinuturing na basura ay maaaring maging kapaki-pakinabang at kaakit-akit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










