Mga lumang gusali, pinaiinspeksyon sa mga LGU

Pinaiinspeksyon ni Assistant Majority Leader Juan Fidel Felipe Nograles sa mga Local Government Unit (LGU) ang mga lumang gusali na kanilang nasasakupan.

Ang hirit ng kongresista ay bunsod na rin ng insidente sa Surfside, Florida, US kung saan isang condominium building ang gumuho na lamang bigla na wala man lamang lindol o bagyo.

Umapela si Nograles sa mga LGU na inspeksyunin ang mga lumang gusali o anumang lumang istruktura sa kanilang lugar na prone o may posibilidad na mag-collapse.


Hindi kasi aniyang malabong mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa US lalo pa’t kilala ang Estados Unidos na strikto pagdating sa kanilang mga building policy.

Partikular na pinasisilip ng kongresista ang integridad ng mga gusali na may 30 taon o higit pa ang tagal gayundin ang mga istrukturang itinayo sa mga reclamation sites.

Maliban sa paginspeksyon sa mga gusali ay isusulong din ng mambabatas ang pagamyenda sa National Building Code.

Facebook Comments