Kinokolekta na ng Simbahang Katolika ang mga lumang palaspas para sunugin para gawing abo na gagamitin sa Ash Wednesday.
Ang Ash Wednesday ay hudyat ng pagsisimula ng Lenten Season.
Kadalasang inilalagay ng mga mananampalatayang Katoliko ang kanilang mga palaspas sa kanilang mga bahay, partikular sa altar, pintuan o bintana.
Sa Ash Wednesday, lalagyan ng abo ang mga mananampalatay bilang simbulo ng pagpepenitensya.
Habang ipinapahid ng pari ang abo sa noo, sasabihin niya ang mga salitang: “Tandaan mo tao na ikaw ay mula sa alabok at sa alabok ikaw ay muling babalik” o “Magsisi at maniwala sa Ebanghelyo.”
Ang Ash Wednesday ay gaganapin sa February 17.
Facebook Comments