Mga lumang wooden sleepers na pangsuporta sa mga bahagi ng rail tracks ng MRT-3, sinimulan nang palitan

Puspusan pa ang rehabilitasyon sa riles ng tren ng Metro Rail Line 3 (MRT-3) para maging tuluy-tuloy at walang aberyang operasyon nito.

Sa ngayon, sinimulan na rin ang paglalagay ng Fiber-Reinforced Foamed Urethane (FFU) sleepers sa depot tracks sa linya.

Pamalit ang FFU sleepers sa mga lumang wooden sleepers sa depot tracks.


Pinalitan ito ng materyales na matagal ang lifespan.

Ginagamit ang FFU sleepers na pangsuporta sa mga bahagi ng tracks tulad ng switches, turnouts at crossings.

Nasa 581 piraso ng FFU sleepers na galing sa bansang Japan ang ilalagay sa tracks sa depot ng MRT-3, kung saan inilalagi ang mga tren ng linya.

Matatandaang nakompleto na ng pamunuan ang rehabilitasyon ng main line tracks noong nakaraang Holy Week maintenance shutdown, matapos mapalitan ang mga natitirang turnout sa linya.

Facebook Comments