Tila lumalakad sa tabi ng isang malinis na lawa sa maaliwalas na panahon ang pakiramdam sa tuwing napapadaan sa isang artwork sa barangay Malued, Dagupan City.
Ang naturang artwork na tila Lake Under A Blue Sky ay ipininta ni Joel Pangan sa mga lumang yero na siyang ginawang bakod sa fisheries o sa Inirangan lake upang makaiwas disgrasya lalo na sa mga batang dumadaan sa lugar.
Ayon kay Malued Brgy Captain Pheng Delos Santos ang mga lumang yerong ginamit ay galing sa mga scrap materials nila sa barangay at naisipang gawing bakod na may disenyo upang mapakinabangan at hindi na dalhin sa dumpsite.
Dagdag pa niya, ang pintor na si Joel ay matagal na niyang kasama sa mga beautification projects sa barangay.
Samantala, nakahanda na rin ang susunod na Scrap to Craft na proyekto ng barangay kung saan ang mga lumang pinto naman ng mga kotse ang dinisenyuhan ng paru-paro o butterflies. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











