Mga lungsod at munisipalidad sa bansa na nagdeklara ng state of calamity dahil sa matinding tagtuyot na dulot ng El Niño, pumalo na sa 273

Pumalo na sa 273 ang bilang ng mga lungsod at munisipalidad na nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.

Sa interview ng RMN Manila, kinumpirma ni Task Force El Ni؜Ño Spokesperson Joey Villarama na mula sa nasabing bilang ay siyam na buong probinsya ang apektado.

Aniya, partikular na napuruhan ng El Niño ang mga rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao’s (BARMM) at Zamboanga Peninsula.


Samantala, inihayag din ni Villarama na pinaghahandaan na ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang naka-ambang epekto naman ng La Niña sa bansa.

Partikular aniya rito ang pagsasa-ayos ng mga drainage at catch basins upang maiwasan ang pagbaha at pag-develop sa mga dam at dredging para may mapag-imbakan ng tubig na pwedeng magamit sa mga susunod na panahon.

Facebook Comments