Mga lungsod sa Metro Manila, magkakaroon ng sariling bubble sa ipapatupad na enhanced community sa Biyernes – PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magiging mas mahigpit sila kapag nagsimula na ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila sa Biyernes, Agosto 6.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na magiging maliit na bubble ang bawat lungsod sa Metro Manila.

Ayon kay Eleazar, magkakaroon sila ng checkpoint sa bawat boundary ng mga lungsod upang masiguro na hindi makakalusot ang mga hindi naman dapat nakakalabas ng kanilang mga bahay.


Dagdag pa nito, tanging ang mga nagtatrabaho lamang sa essential industries at Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang papayagang magtungo sa ibang lungsod sa kalakhang Maynila.

Facebook Comments