Mga lungsod sa Metro Manila na magpapatupad ng total lockdown, nadagdagan pa!

Nadagdagan pa ang mga lungsod sa Metro Manila na nagpatupad ng total lockdown sa kanilang mga barangay bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Epektibo bukas, July 16, 2020, isasailalim sa 15-days Special Concern Lockdown ang apat na barangay sa Malabon City.

Kinabibilangan ito ng P. Concepcion at Tumariz sa Barangay Tugatog; University Avenue Extension at Guava Street sa Barangay Potrero; 1st, 2nd, 3rd, 4th Street at C4 Road sa Barangay Tañong; Gozon Letre at Phase 1 sa Barangay Tonsuya; at Block 14-A at Block 14-C sa Barangay Longos.


Sa tala ng city health office, umabot na sa 936 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Malabon kung saan 365 rito ang naka-recover habang 76 ang nasawi.

Samantala simula rin bukas, isasailalim din sa dalawang linggong lockdown sa buong lungsod ng Navotas.

Sa interview ng RMN Manila kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, nilinaw nito na isang residential lockdown ang ipapatupad kung saan papayagan pa rin ang mga commercial offices na mag-operate at makalabas ang mga nagta-trabaho.

Epektibo ang total lockdown sa Navotas, simula alas 5:00 ng umaga hanggang sa July 29, 2020.

Facebook Comments