Mga lupang Pwedeng Malagyan ng Irigasyon sa Isabela, Siyamnapu Hanggang Isangdaan at Sampung Libong Ektarya Pa!

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa siyamnapu hanggang isang daan at sampung libong ektarya ng lupa ang pwedeng pang malagyan ng irigasyon sa lalawigan ng Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III sa naging panayan ng RMN Cauayan sa programang Straight to the Point kaninang umaga, ika labing apat ng Abril taong kasalukuyan.

Aniya, Noong taong 2011 ay nagkaroon umano ng Convergence Project katuwang ang ibat ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Agriculture, Department Of Energy, Department of Agrarian Reform, DENR at NIA hinggil sa kanilang panukala sa mga ilog gaya ng Dibubu, Pinakawanan, at Aguan river kung saan ito ay pwedeng lagyan ng flog control na pwedeng maging hydro dam at pwedeng mapakinabangan upang makapagbigay elektrisidad lalo na at may proposed na apatnapung libong ektarya ng irrigation kanals na maggagaling sa Northern at Easthern part ng Isabela.


Aniya, Marami pa umanong gagawing ekspansiyon sa magat dam upang Makita ang total development ng irrigation kanal para sa lalawigan ng Isabela at kung mangyayari ang kanilang panukala ay magkakaroon ng siyamnapu hanggang isang daan at sampung libong ektarya ang lupang lalagyan ng irigasyon kanal.

Malaking bagay na umano ito para sa karagdagang palay at pwede rin umanong maging sapat, mababawasan ang importation at matutulungan ang mga magsasaka at masusuportahan ang food security program ng ating bansa.

Samantala, sa isang daan at pitumpong libong ektaryang taniman ng mais sa lalawigan, ay nasa siyamnapung porsiyento pa ang hindi napapadaanan ng irigasyon.

Facebook Comments