Hiniling ni Rizal Rep. Fidel Nograles na maabutan ng ayuda ang mga pamilyang apektado sa ipatutupad na granular lockdown.
Ayon kay Nograles, suportado niya ang nasabing hakbang na nagbabalanse sa public health at ekonomiya.
Kung ikukumpara kasi aniya sa malawakang ECQ, hindi na kakailanganin ng malaking halaga para sa ayuda sa pagpapatupad ng granular lockdown at mas kaunting abala ito sa takbo ng negosyo at trabaho.
Umaasa rin si Nograles na magiging hands-on ang mga medical experts sa pagbibigay ng advise at gabay sa LGUs sa pagtukoy ng mga lugar na isasailalim sa granular lockdown.
Sa pamamagitan ng targeted quarantine approach na ito, mas maitutuon sa higit na nagangailangang lugar ang manpower at resources ng pamahalaan.
Facebook Comments