Umaasa ang mangilan-ngilan na mga maliliit na manlalako sa isang public consultation upang maipahayag ang kanilang saloobin partikular ang mga tindera sa kahabaan ng AB Fernandez Avenue sa Dagupan City na naapektuhan at maaapektuhan ng naumpisahan nang konstruksyon ng proyektong pagpapataas ng kalsadahan sa lungsod.
Matatandaan na kauumpisa lamang sa karugtong na phase ang proyekto dahil napipinto na rin ang pagtatapos ng proyekto sa AB Fernandez, Barrera St.
Ani ng ilang mga tindera rito, sa kasalukuyan ay wala pa umanong kahit ano na sinasabi sa kanila kahit pa nasimulan ang proyekto at apektado na ang pwestong kanilang kinalalagyan para makapagtinda.
Wala pa rin umano plano ang mga ito sa kung saan sila maaaring lumipat lalo na at ang iba sa kanila ay nasa pwesto na ng higit limang taon, benta benta ang kanilang mga maliliit na produkto.
Samantala, matatandaan naman na tinungo na ang ilang mga apektadong establisyemento ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ng alkalde upang maipaliwanag at talakayin ang mga isyung nakapaloob dito. |ifmnews
Facebook Comments