Tiniyak ng Malacañang na ang mga publikong makakaranas ng side effects matapos maturukan ng Sinovac vaccines ay sakop ng indemnity fund law na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos bigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ang CoronaVac vaccine ng Sinovac.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Sinovac ay walang indemnification requirement hindi tulad ng Pfizer at AstraZeneca vaccines.
Pero sinabi ni Roque na ang mga magkakaroon ng adverse effects ay protektado ng ₱500 million indemnity fund.
Hindi na kailangang hintayin ng pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa indemnification law bago nila gawin ang vaccine rollout.
Facebook Comments